Okay Lang, Ma (Isang Elehiya)

NOTE: This poem is written mostly in Filipino, some are in Ilocano. I apologize for errors (if there are) in the way the Ilocano phrases are written.

Alam ko
Gaano pa man kahaba ang tulang ‘to
Magtagpi-tagpi man ang mga ritmo
Sumakto man ang mga tugma
Bawat linya man damang-dama,
Hindi na niya maririnig.

Sabi nila
Nandiyan lang naman siya
Kabilang sa mga tala
Na gabi-gabi kong tinitingala.
Sabi naman ng iba
40 days pa siyang gagala. (lol)
Pwede rin namang imahinasyon
Para sa mga taong idinadaan sa tula
Ang kanilang pangungulila. (ehem)

Sabi niya
Aalalahanin ko siya sa mga paru-paro;
Sa mga ibong nagsisiksik ng kanilang pugad sa puno.

Pero maaalala ko rin siya
Sa bawat kagat ko ng Skyflakes at Fita
Sa Quaker Oats na lagi niyang “ulam” sa umaga
At Knorr soup kapag gabi na
May crab and corn flavor pa.

Maaalala ko siya
Sa mga nakakalat na tatak ng PWD sa rampa, sa kalsada
Sa mga lulutuin naming carbonara
Sa mga Bagong Taong bungal na ang mesa.

Alam ko
Di ko na maririnig sa kanya ang
“Sana ‘di ka late anakko,”
“Lagyan mo ng labakara likod mo,”
“Basa buhok mo, isu nga agpan-panateng ka,
“Anak ko, mag-jacket ka,”
“Bumangon kayo ditan, madik kayat ata,”
“Aglinis kayu,”
Pati ang tawag niyang
“bebengko” o “chinita ko”
Ang paggigiit niyang isa lang akong “hirit”
At iniluwal akong pangit.

Tuwing umuuwi po ako galing school,
Dinaratnan ko siyang umiiyak:
Addatoy tay anak kon nga sig-siggak.”
(Nandito na ang anak kong hinihintay ko.)
Ngayon, nandoon na (sa itaas) ang Mama kong hinihintay ako.

Marahan ko paring ipipihit ang pinto
Kahit wala na siya sa kwarto
Dahil natutuwa parin ako
Na marinig ang hilik niya
Kapag di napapatid sa pagpasok ko—
Kahit kunwa-kunwari lang.

Alam ko
Na hindi na siya babalik.
Hindi ko na “maririnig”
Kanyang nakabibinging halik.
Hindi ko na madadama
Kanyang yakap na makapigil-hininga
Hindi ko na matitikman
Pasalubong niyang pansit sotanghon
Galing opisina pa niya baon.

Pero okay lang.
Alam ko namang
Hindi na siya iiyak
araw-araw sa sakit.

Okay lang.
Dahil sa isa’t isa,
natuto kaming kumapit.

Okay lang.
Dahil nagkaroon kami ng
pagkakataong magbalik-serbisyo sa aming ina
Kahit na di namin nahigitan yung kanya
Noong kami’y mga walang muwang pang bata.

Okay lang.
Dahil napatatag itong pamilya
Na may pundasyong mahina.

Okay lang.
Kahit na meron nang kawalan
Na habang-buhay, dito (sa puso) maninirahan
At mukhang ‘di mapupunan kahit konti
Ng mga taos-pusong pakikidalamhati.

Okay lang.
Dahil ayaw kong makalimot.
Masaya akong may mga dahilan para ako’y malungkot.
Magiging okay kami;
Magiging okay ako,
At hindi kunwa-kunwari lang.
One day at a time.

Welcome home, Mama.
Sana ‘di mo ako ikahiya sa tula kong ‘to;
Sana masaya ka sa kinalabasan namin bilang tao;
At sa dami ng taong nagmamahal sa’yo.


Words by Cherry Rose Guillermo Copyright © 2018 Petrichors and Metaphors

Advertisements

Published by

Cherry Rose Guillermo

I write to remember.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s